Aabot pa lamang sa dalawampu’t dalawang classrooms ang natatapos ng Department of Public Works and Highways ngayong taon.
Nabunyag ito sa pagtatanong ni Senate Committee on Basic Education Chairman Bam Aquino sa budget hearing ng Senado para sa panukalang pondo ng DPWH para sa susunod na taon.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, maging siya ay hindi makapaniwala sa baba ng bilang ng natapos na classrooms dahil 1,700 dapat nakatakdang gawin ng ahensya ngayong 2025.
Nagbabala si Senador Aquino na kung magpapatuloy ang rate na ito, ang 146,000 na backlog sa classrooms ay maaaring tumaas pa sa 200,000 pagsapit ng 2028.
Samantala, suportado ni Sec. Dizon ang panukala ng Senado na tanggalin sa DPWH ang pondo sa pagpapatayo ng mga silid-aralan at ibigay na lamang ang pondo direkta sa mga lokal na pamahalaan at kailangan na ring maging agresibo sa public-private partnership upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga kailangang classrooms.