Extreme focus, dedication, sipag, at tibay ng loob ang kinakailangan sa pag-aaral ng medisina. Kung minsan nga ay nawawawalan na ng oras para sa sarili ang mga estudyante dahil sa sobrang busy. Pero ang estudyanteng ito, hinangaan dahil sa galing sa pagmu-multistask. nag-aral lang naman kasi ito habang gumigimik sa isang club.
Kung paano ito nagawa ng lalaki, eto.
Nag-viral sa social media at umani na ng mahigit 1 million likes ang video ng isang lalaki kung saan kitang-kita kung paano ito nag-stand out sa crowd ng isang club.
Kung titingnan, mistulang KJ ang lalaki at napilitan lang na sumama para gumimik.
Habang nagsasayawan kasi ang mga party-goers, nanatili lang na nakaupo at nag-aaral ang lalaki na ayon sa caption ng post ay isa palang medical student at future doctor.
Bagama’t priority nito ang pag-aaral, hindi napigilan ng lalaki na sumabay sa maingay na kanta at bigla na lang sumayaw habang hindi pa rin iniaalis ang tingin sa kaniyang notes at tablet.
Pero hindi rin nagtagal ay mas lalo pang na-feel ng lalaki ang upbeat music at panandaliang binitawan ang kaniyang reviewers. Napapikit pa nga ito habang sumasayaw pero agad ding bumalik sa pag-aaral.
Samantala, pinuri naman ng commentators ang dedikasyon ng future doctor at mayroon pang nagsabi na kung nagagawa nitong mag-aral sa isang maingay na lugar, paniguradong he can also work under pressure sa ospital.
Sa mga medical students diyan, tuluy-tuloy lang sa pag-aaral para sa pangarap. Pero matuto ring magpahinga at baka makalimutan niyo na kung paano gumimik.