Iginiit ni 1Sambayan convenor Atty. Howard Calleja na kailangang maging balanse ang transparency at confidentiality sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure hinggil sa maanomalyang flood control projects.
Aniya, para maalis ang duda ng taong bayan sa paggulong ng kaso, kailangang alamin ng otoridad ang iba’t ibang antas ng transparency na maaaring buksan para sa publiko.
Sa pananaw ni Atty. Calleja, nais lamang makita ng taong bayan na may partisipasyon sila sa imbestigasyon.
Maaari aniya ito sa pamamagitan ng ilang grupo na maaaring dumalo o tumayong representante ng bawat sektor ng lipunan sa bawat pagdinig ng ICI, at silang mag-uulat sa publiko hinggil sa mga nangyayari sa mga hearing.