Nilinaw ng Office of Civil Defense na wala silang in-activate na evacuation center matapos ang naranasang malakas na lindol sa Cebu.
Ayon kay OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro, karamihan ng mga evacuees ay nanatili lamang sa mga open area.
Ito’y dahil madedetermina lamang mula sa ongoing assessment sa mga gusali gaya ng mga paaralan at pagamutan, kung ligtas nang okupahan ng evacuees ang mga ito.
Gayunpaman, inihayag ni Asec. Alejandro na sa oras na matapos ang ginagawang assessment, matutukoy agad kung maaari nang i-activate ang paggamit ng evacuation centers.