Nilinaw ng kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya na hindi ito nagkaroon ng direktang ugnayan kay House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co.
Ayon kay Discaya, wala itong naging anumang transaksyon kina Speaker Romualdez at Representative Co.
Iginiit ni Discaya na nabanggit lamang nito ang pangalan ng dalawang nasabing opisyal dahil ito ang sinasabi ng mga nakakausap niyang politiko na nagsasabing kailangang agad maibigay ang “obligasyon” o perang kickback mula sa mga flood control projects.
Dagdag pa ni Curlee na posibleng ginagamit lamang ng ilang pulitiko ang pangalan nina Speaker Romualdez at Rep. Co dahil may public interest ang mga ito.
Binigyan-diin ng kontratista na wala siyang kapasidad na sabihin na sa dalawang nasabing opisyal napupunta ang mga porsyento sa implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan.




