Namemeligro na namang magkaroon ng dagdag-singil sa kuryente ng mga consumer ngayong buwan.
Bunsod ito nang pagtaas ng presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM noong Agosto dahil sa mas mataas na demand at outages ng ilang planta.
Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines, tumaas ng 15.3 percent sa 4 pesos 59 centavos per kilowatt-hour ang spot prices noong isang buwan mula sa 3 pesos 99 centavos noong Hulyo.
Simula naman July 26 hanggang August 25, bumaba sa zero point 7 percent month on month ang available supply sa 20,611 megawatts gayong tumaas ang demand sa 1.7 percent sa 14,052 megawatts.
Inaasahang mararamdaman ang WESM prices para sa August supply ng mga consumers ngayong buwan.