Sino ba naman ang hindi magseselos kapag napansin mo na tila mayroong favoritism ang mga magulang mo? Ganiyan ang naramdaman ng isang dalagita sa kaniyang kapatid at mas tumindi pa ito nang hindi umabot sa graduation ang kaniyang mga magulang matapos bilhan ng rare Labubu doll ang kaniyang kapatid.
Ang kwento ng dalagita, eto.
Katatapos lang mag-martsa ng isang 18-anyos na dalaga ayon sa kaniyang post sa isang discussion forum application. Sa kaniyang post, ibinahagi niya kung paano na-late ang kaniyang adoptive parents sa kaniyang graduation dahil sa paghahanap sa isang rare labubu doll.
Ang nasabing manika, kasalukuyan palang kinaaadikan ng kaniyang sampung taong gulang na babaeng kapatid na inilarawan niya bilang isang spoiled na bata at ang paborito ng kanilang mga magulang.
Ayon sa nag-post, nagseselos siya sa kaniyang kapatid. Sa sobrang spoiled nito, naninira umano ito ng mga gamit, nananakit, at naiinis kapag hindi nabibigyan ng atensyon.
Para iwasan ang kapatid, inabala niya ang kaniyang sarili sa pagsali sa mga club, sports, at pagtatrabaho. Halos tumira na rin ito sa bahay ng kaniyang boyfriend at sinabing tanggap siya ng pamilya nito.
Hanggang sa araw ng kaniyang graduation, doon umuwi ang babae sa bahay ng kaniyang boyfriend dahil ang kaniyang mga magulang, halos wala ng inabutan sa ceremony dahil sa paghahanap sa rare labubu doll para sa bunso niyang kapatid.
Matapos niyang hindi pansinin ang mga ito, humingi umano ng tawad ang kaniyang mga magulang at makailang beses na nag-text at tumawag sa kaniya.
Nagpadala pa umano ng pera ang mga ito dahil sa pag-aakala na ito ang kaniyang issue.
Pero ang poster, hindi nagpatinag at hindi pinansin ang efforts ng kaniyang mga magulang na ngayon ay nananakot na irereport siya ng mga ito at idedeklarang missing o runaway.
Samantala, pumanig naman sa poster ang mga commentators at sinabing nasa legal na edad na ito at hindi maaaring tawaging runaway.
Sa mga magulang diyan, anu-anong efforts ang ginagawa niyo para siguraduhing hindi makakaramdam ng inggitan sa isa’t isa ang inyong mga anak?