Kinuwestyon at binatikos ni Senator Alan Peter Cayetano ang Bangko Sentral ng Pilipinas makaraang bigyan pa ng ilang oras ang mga e-wallet providers para tanggalin ang mga link papunta sa mga online gambling site.
Bilang chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, sinita ng senador kung bakit ngayon lamang ito umaksyon kung kailan nagsagawa ng pagdinig ang Senado ukol sa online gambling.
Ayon kay Sen. Cayetano, noong July pa nagpalabas ng pahayag ang B-S-P na ipapatigil o ipapatanggal ang link ng e-wallet sa online gambling.
May mga reklamo anya na ginagamit ang ilang e-wallet apps para sa illegal online gambling.