Siniguro ng Malakanyang na walang deadline ang pagsusumite ng reklamo sa online portal na “Sumbong sa Pangulo.”
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, maaaring mag-sumite ng ulat hinggil sa flood control project ang sinuman hangga’t nanunungkulan ang Pangulo.
Hindi rin kinakailangang ilagay ang pangalan ng magrereklamo kung nangangamba sila sa kanilang kaligtasan lalo na kung sangkot ang mga maimpluwensyang indibidwal o opisyal sa proyekto.
Paalala ng Malakanyang, dapat tiyakin na may sapat na basehan ang bawat sumbong at tanging beripikadong impormasyon lang ang isusumite upang hindi masayang ang oras at resources ng gobyerno sa pag-imbestiga sa maling ulat.
Layunin ng portal na makapagsumite ang publiko ng konkretong impormasyon hinggil sa mga maanomalyang proyekto, partikular sa mga flood control initiatives ng pamahalaan.