Maniniwala ka ba na sa murang edad ay nakapasok ang isang lalaki sa gobyerno at hindi basta-basta ang kaniyang posisyon dahil ito mismo ang presidente ng isang bansa na kaniya raw itinatag.
Kung paano ito nangyari, eto.
14-anyos pa lang si Daniel Jackson nang mabuo sa isip niya ang ideya ng Free Republic of Verdis, ang bansa na itinatag niya rin kalaunan pagtungtong niya ng edad na disi-otso.
Matatagpuan ang Free Republic of Verdis sa isang disputed island sa pagitan ng Croatia at Serbia na ngayon ay kinikilalang second smallest country in the world kasunod ng Vatican City.
Kumpletos rekados na ang verdis dahil mayroon na itong sariling flag, mga batas, gobyerno, at halos apat na raang mga residente. Idineklara na rin ang English, Croatian, at Serbian bilang mga official languages ng bansa, habang euro naman ang currency nito.
Pero noong 2023, hinuli si Jackson ng mga otoridad kasama ang iba pang residente at ipina-deport dahil threat umano sila sa seguridad ng lugar.
Gayunpaman, umaasa si Jackson na makabalik at manirahan sa Verdis bilang isang residente. Hindi umano siya interesado sa kapangyarihan at bababa na lang sa pwesto at magsasagawa ng eleksyon.
Bagama’t mayroong problema ang Verdis sa Croatia, hangad pa rin ni Jackson na magkaroon ng maayos sa relasyon sa mga otoridad nito.
Sa mga kabataan diyan, ganito rin ba kalaki sa imagination niyo ang mga ideya na naiisip niyo?