Iginiit ng isang political analyst na hindi dapat gawing sandata ang impeachment laban sa sinumang opisyal ng pamahalaan.
Ito, ayon kay Political Analyst at UST Prof. Froilan Calilung, sa panayam ng DWIZ, ay matapos tila pagbantaan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga mahistrado ng Korte Suprema na posible ring sampahan ng impeachment case ang mga ito.
Sinabi ni Prof. Calilung na bagamat totoong nakasaad sa Konstitusyon na impeachable official ang mga mahistrado, ang pahayag ni Speaker Romualdez ay posibleng magdulot ng dangerous precedent o panganib.
Naniniwala si Prof. Calilung na sa ngayon ay mas kailangan ng Kongreso na ituon ang pansin sa paggawa ng mga batas na mapapakinabangan ng mga Pilipino.