Sa makabagong panahon na ito, iilan na lang ang nagbabasa ng dyaryo, at kadalasan ay dinadala na lang ito sa mga junk shop para sa kiluhin at ibenta. Pero ang dyaryo na ito sa Japan, hindi kailanman mapupunta sa basurahan kundi sa lupa at makakatulong pa sa kalikasan.
Kung paano ito magagawa ng dyaryo, eto.
Muli na namang napatunayan ng Japan na pagdating sa innovations, sila ang nangunguna. Bukod kasi sa technology, sila ay eco-friendly din.
Ayon sa isang article, inaabot ng 95 milyong mga puno ang pinuputol at ginagamit taun-taon para makagawa ng dyaryo, na siyang nagkakaroon ng malaking epekto sa kalikasan.
Pero ang Japanese publishing company na The Mainichi Shimbunsha, bukod sa pag-iimprenta ng mga dyaryo, concerned din sa nature dahil sa mga kakaibang materyal na kanilang ginagamit.
Ito ay inimbento ng isa sa pinakamalaking advertising agencies sa Japan na Dentsu Inc. na nakikipagtulungan sa The Mainichi.
Ang birght idea na ito, inilabas noong 2016 para sa ‘The greenery day.’
Ang papel kasi, 100% biodegradable at plant-based naman ang ink na ginagamit dito. Higit pa riyan, naglalaman din ng seeds ang mga dyaryo.
Para tumubo ang mga bulaklak, kinakailangan lang punitin sa maliliit na piraso ang dyaryo, ibabaon sa lupa, at didiligan.
Samantala, ginagamit din ng The Mainchi ang nasabing dyaryo para magturo sa mga estudyante ng environmental lessons.
Ikaw, sa tingin mo ba ay ito na ang solusyon sa kakulangan sa mga halaman dito sa Pilipinas?