Isang magandang payo para sa ating kalusugan ang pagbabawas sa ating kinakain.
Kailangang sapat lamang, hindi sobra, at hindi rin kulang.
Masama ang pagkain ng labis dahil nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito at dodoble rin ang trabaho ng ating atay, pancreas, bato, at puso dahil sa sobrang pagkabusog.
Maliban dito, tataas din bigla ang ating asukal sa dugo, at posibleng dumami rin ang dumi o kung tawagin ay “free radicals” dahil sa sobrang pagkain.
Kaya ipinapayo ng eksperto ang pagkain lamang ng “high nutrient at low calorie diet” tulad ng gulay, isda, prutas, beans, at soy products gaya ng tofu, taho, at tokwa.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave