Naniniwala si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi na kailangang mag-convene ng senado bilang impeachment court para pagdesisyunan ang kanilang sususnod na hakbang matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin ni Senate President Escudero na malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na ab initio o null and void ang nasabing impeachment complaint dahil nilabag nito ang due process.
Sinabi ng lider ng senado na mas mainam na sa plenaryo na lamang magdesisyon ang senado kaugnay sa isyu ng impeachment.
Gayunman, nilinaw ni Senate President Escudero na nakasalalay pa rin sa karamihan ng mga senador ang pinal na desisyon hinggil sa usapin.