Itinuturing ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na isang demolition job ang alegasyong mayroon siyang maanomalyang insertions sa pambansang budget para sa mga flood control projects.
Ayon kay Senate Pres. Escudero, pinalutang lamang ang isyung ito para siraan at harangin ang pagtakbo niya sa pagka-lider ng senado.
Bagamat aminado ang Senate President na may ginawa siyang insertion, realignment o pag-amyenda sa pambansang budget, nilinaw nito na bahagi ito ng kanilang trabaho.
Wala rin aniyang masama rito at higit sa lahat ay wala aniya siyang ibinulsa sa pondo ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Senate Pres. Escudero na sa kanyang halos tatlong dekadang public service, hindi siya nakasuhan ng korapsyon.