May pangmatagalang epekto sa produksyon ng agrikultura at sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ang zero tariff sa mga produkto mula sa Amerika na papasok sa Pilipinas.
Ito ang babala ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan kaugnay sa isinagawang trade agreement ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Panawagan ng senador sa Malakanyang na maging transparent sa bagong trade agreement sa pagitan ng Pilipinas at U-S lalo na pagdating sa agricultural products.
Giit ng mambabatas, bagamat nauunawaan niya na kailangan ng economic stability, pero hindi dapat magsakripisyo ang kabuhayan ng mga agricultural workers sa bansa.
Binigyang diin pa ng senador na ang mga bagong polisiya at kasunduan ay dapat mayroong malinaw na safeguards para sa local livelihoods o sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Matatandaang una nang nilinaw ni Pangulong Marcos na ang zero tariff na napagkasunduan nila ni U-S President Donald Trump ay para lang sa iilang sektor gaya ng automobile.