Ika nga nila, do not live beyond your means. Kung hindi pa kayang bayaran, huwag munang bibilhin oo utangin. Pero ang iba sa atin, kaskas kung kaskas, swipe kung swipe, para lang mabili ang mga gusto at mabayaran ang mga pangangailangan. Dahil diyan, lumabas sa isang report na ang pilipinas, nasa critical level na pagdating sa laki ng utang ng mga credit card holders.
Kung gaano kalaki ang utang ng mga credit card holders na ito, eto.
Inilabas kamakailan ng loan marketplace at Singapore-based fintech firm na Roshi Pte Ltd. Ang kanilang Credit Card Debt Report: Asean and Beyond.
Ayon sa report, nangunguna ang Singapore sa listahan ng mayroong pinakamataas na average credit card debt o utang sa lahat ng southeast asian countries. Ang bawat cardholder umano ay mayroong utang na S$5,335 o may katumbas na P236,000.
Pero ayon sa Roshi, kayang-kayang i-manage at suportahan ng credit card holders sa Singapore ang kanilang mga utang dahil sa advanced financial infrastructure ng bansa at nangunguna rin ito sa mayroong pinakamataas na monthly income sa southeast asia na umaabot ng s$6,167.60 o nagkakahalaga ng p273,000.
Samantala, ang Pilipinas naman ay mayroong average credit card debt na pumalo sa S$2,092 o nagkakahalaga ng P92,800.
Pero ang monthly income sa Pilipinas, nagkakahalaga lang ng S$492.26 o P21,900. Kung titingnan, higit itong mas mababa kumpara sa monthly income sa ibang southeast asian countries na Hong Kong na mayroong S$6,032.26, at S$4,335.66 naman sa Japan.
Base sa section 4 ng report na broader financial patterns, lumalabas na nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamataas na debt to income ratio na 425% na maaaring maging senyales ng severe financial stress, at ito rin ang nag-iisang bansa na mayroong critical risk level.
Samantala, sumunod naman ang Malaysia, Thailand, Vietnam, at Indonesia sa mga bansang mayroong mababang average credit card debt sa southeast asia.
Sa mga may credit card diyan, nasigigurado niyo ba na buwan-buwan niyong nababayaran ang inyong mga utang?