Hindi na ata lilipas ang araw natin nang hindi nakakarinig ng bad words, lalo na at nagiging expression na ito ng mga tao. Pero narinig mo na ba na mayroon ding mga ibon na nagmumura? Ito ang tila magkakabakarda na mga parrot sa isang zoo sa England na pati ang kanilang mga cutomer ay namura na rin nila.
Kung ano ang reaksyon ng mga customer sa mga palamurang mga ibon na ito, eto.
Agosto noong 2020 nang i-donate sa Lincolnshire Wildlife Park na matatagpuan sa Eastern England ang limang African Grey Parrots na sina Billy, Elsie, Eric, Jade, at Tyson.
Magkakasamang i-dinisplay sa iisang kulungan ang mga parrots.
Pero ilang araw lang ang nakalipas nang dumating ang mga ito sa zoo, agad na naging kapansin-pansin ang pagmumura ng mga ito sa mga bisita.
Ayon sa isang report, ginagawa umanong katuwaan ng mga parrot ang pagmumura para makakuha ng reaksyon mula sa mga bisita.
Sa sobrang bilis matuto ng mga ibon na ito, ibinahagi rin ng CEO ng zoo na si Steve Nichols na sa tuwing dumadaan siya ay tinatawag siyang mataba ng mga nasabing parrot.
Dagdag pa niya, napapabilib umano ang mga bisita sa tuwing nagmumura ang mga parrot at ni minsan ay wala silang natanggap an reklamo dahil dito.
Gayunpaman, pinaghiwa-hiwalay pa rin ng kulungan ang limang parrots at inalis na sa public areas ng zoo ng dahil concerned sila sa mga bumibisita sa kanila na mga bata.
Ikaw, gusto mo na rin bang makita ang mga parrot na ito para mapabilib sa kanilang swearing skills o para maaliw?