Nilinaw ng Malakanyang na hindi tutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatupad ng K to 12 Program.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communication Office Usec. Atty. Claire Castro, suportado naman ng Pangulo ang K to 12 Program ngunit hindi ito agad naging epektibo dahil hindi rin naihandang mga ahensya para rito.
Ngayon, sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, aayusin at paguhusayin na aniya ang mga kurikulum sa naturang programa.
Nabatid na nabawasan na ang mga aralin sa Senior High School at tutok na lamang sa ilang pangunahing subjects tulad ng effective communication, general mathematics, general science, life and career skills, at history.