Nanindigan ang Kamara na hindi makakaapekto ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa mga legislative efforts ng dalawang kapulungan ngayong 20th Congress.
Ayon kay House spokesperson Atty. Princess Abante, mananatiling prayoridad ang mga panukalang batas na pakikinabangan ng mamamayan.
Binigyang-diin ni Atty. Abante na hiwalay ang trabaho ng mga kongresista sa pagpasa ng mga batas at pagtutok sa impeachment process.
Tiwala aniya siya na mabibigyan ng pansin ang legislative measures dahil mayroong authorized panel of public prosecutors na nakatalaga sa impeachment proceedings.
Sinabi rin ng tagapagsalita ng Kamara na patuloy na magtatrabaho ang mga kongresista, katuwang ang mga senador para ipasa ang priority measures na tutugon sa mga suliraning panlipunan.
Kabilang aniya sa mga panukalang ipaprayoridad ng Kamara sa 20th Congress ay ang usaping may kinalaman sa national security, pabahay, kalusugan, at economic proposals na sumasalamin sa holistic approach.