Pinabantayan ng pamahalaan ang mga insidente ng diarrhea o madalas na pagdudumi at gastrointestinal infections na maaaring makuhang sa mga sirang tubo ng tubig na pinapasok ng maruming tubig o baha.
Ginawa ni Department of Health spokesman at Assistant Secretary Albert Domingo ang pahayag sa gitna ng pinangangambahang pagkalat ng mga sakit na umuusbong tuwing tag-ulan.
Sakaling may tagas aniya ang tubo ng tubig at kung duda sa inilalabas na tubig nito, pakuluan ito ng dalawang minuto bago inumin o gamitin.
Samantala, nananatili aniya’ng mataas ang kaso ng dengue bagaman under control naman ito.