Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanda ang pamahalaan upang masiguro ang kapakanan ng mga magsasaka sakaling tumama ang mga bagyo sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakalatag na ang iba’t ibang sistema mula sa national government hanggang sa lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng kailangang tulong sa mga magsasaka sa panahong ng kalamidad.
Kabilang na aniya rito ang tulong ng Department of Agriculture sa mga sakahan o lupain ng mga magsasakang kaya pang tamnan, pero kung hindi naman ay dito na gagamitin ang subsidiya.
Ito’y upang makatawid sa planting season ang mga magsasaka.
Bukod dito, sinabi ng pangulo na mayroon din namang insurance coverage sa mga pananim ng ating mga farmers na ngayon ay mas pinalawak pa.