Sumirit ang bilang ng mga taong nakaranas ng food insecurity at malnutrition sa buong mundo noong 2024.
Ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization, umabot sa halos 300 milyong indibidwal ang nakaramdam ng acute hunger sa 53 bansa.
Batay sa datos ng UN, ang nasabing bilang ay mas mataas ng halos 14 na milyon kumpara noong 2023.
Kinumpirma rin ng international organization na nakaranas ng famine o labis na kagutuman nitong nakaraang taon ang ilang bahagi ng Sudan;
Habang naitala naman ang food insecurity sa Gaza Strip, South Sudan, Haiti, at Mali.
Dahil dito, ibinabala ng FAO Director-General ang patuloy na paglala ng kaso ng acute food insecurity lalo na sa mga liblib na lugar.—sa panulat ni John Riz Calata