Kung mayroong iba’t ibang uri ng pagmamahal, mayroon ding iba’t ibang klase ng love stories. Katulad ng magkasintahan na ito sa kenya na nagkakilala six decades ago pero noong 2024 lang nagpakasal.
Kung bakit inabot ng mahabang panahon bago nagpakasal ang magkasinatahan, eto.
Taong 1960 nang magkakilala at ma-in love sa isa’t isa ang Kenyan natives na si Ibrahim Mbogo, at Tabitha Wangui.
Nag-viral ang love story ng dalawa nang magpakasal ang mga ito noong 2024 sa edad na 95 at 90.
Ginanap sa isang simbahan sa maliit na bayan ng Mukurweini ang kasal ng dalawa, kung saan makikita sa isang nag-viral na picture na nakasuot ng smart grey suit at silver neck tie si Ibrahim, habang si Tabitha naman ay mayroong puting cap, cream-colored brocade jacket, at white outfit.
Pero sa isang pahayag, sinabi ni ibrahim na kung ang Kikuyu Customs o ang kultura sa Kenya lang din naman ang pagbabasehan, ilang taon na silang legally married ni Tabitha.
Ngunit bilang pareho rin silang Christians, napagdesisyunan ng dalawa na magpakasal din sa simbahan bilang respeto sa kanilang paniniwala.
Samantala, nang tanungin naman kung ano ang sikreto sa kanilang mahabang pagsasama, nagbigay ng advice si Tabitha sa mga kababaihan na irespeto ang kanilang mga asawa at humingi ng tawad kapag nakagawa ng pagkakamali.
Sa mga may asawa diyan, willing ka ba na pakasalan ulit ang asawa mo matapos ang ilang taong pagsasama?