Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pasya ng Department of Transportation na magpatupad ng mandatory drug testing sa mga PUV Drivers tuwing ika-90 araw.
Ito’y sa harap ng sunud-sunod na vehicular accident sa bansa.
Giit ng Senador, bakit ito agad ang pumasok sa isipan ng dotr bilang solusyon kung hindi naman nagpositibo sa illegal drugs ang driver ng bus na sangkot sa malagim na aksidente sa Subic -Clark-Tarlac Expressway.
Suhestiyon ng Mambabatas, dapat aniyang bigyang pansin ng kagawaran ang mas epektibong pagpapatupad ng mga batas patungkol sa overspeeding, reckless drivers, at speed limiter para sa mga malalaking behikulo.—sa panulat ni Mark Terrence Molave