Home NATIONAL NEWS Pag-object ng kampo ni VP Sara sa pagbabalik ng impeachment trial, inaasahan na ng prosekusyon

Mga ambulansya ng BFP ipakakalat sa matataong lugar sa Metro Manila

by DWIZ 882 November 30, 2022 0 comment
BFP EMS

Ipakakalat na sa mga mataong lugar sa Metro Manila ang mga ambulansya ng Bureau of Fire Protection – Emergency Medical Services (BFP-EMS).

Alinsunod ito sa utos ni Interior and Local Government secretary Benhur Abalos sa bagong-upong BFP-NCR Director na si Fire chief Supt. Nahum Tarroza upang umagapay sakaling magkaroon ng aksidente sa lansangan.

Ayon kay Tarroza, bihasa ang mga tauhan ng BFP-EMS sa kahit anong klaseng rescue operations kaya dapat na palakasin ang kanilang presensya at regular na rumonda o pumarada sa mga pangunahing kalsada sa kalkhang maynila gabi-gabi.

Layunin anya ng nasabing programa na mas mapabilis ang pagresponde ng BFP sa anumang sakuna o aksidente sa kalsada, kasabay nang inaasahang holiday rush.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment