Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Paglilinis sa Mabuhay Lanes tuluy-tuloy

by DWIZ 882 November 23, 2015 0 comment

Muling nagpaalala ang PNP-Highway Patrol Group sa publiko na tuloy-tuloy ang kanilang paglilinis sa mga alternatibong ruta o Mabuhay Lanes.

Ayon kay HPG Director Police Chief Supt. Arnold Gunnacao, kung inaakala ng mga vendor at motorista na maaari na silang pumuwesto sa Mabuhay Lanes ay nagkakamali umano ang mga ito.

Giit ni Gunnacao, muli’t muli ay susuyuriin ng kanyang mga tauhan ang Mabuhay Lanes para mapanatiling maluwag na ito sa trapiko.

Nananawagan din ang HPG sa publiko at sa mga local government units o LGU’s na makipagtulungan sa kanila upang malinis at maalis ang mga obstruction sa mga alternatibong ruta.

By  Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)  

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment