Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Beteranong journalist na si Jun del Rosario, pumanaw sa edad na 62

by DWIZ 882 August 18, 2021 0 comment
jun del rosario

Pumanaw nitong Martes, ang beteranong mamamahayag na si Jun Del Rosario sa edad na 62.

Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Sanchia sa pamamagitan ng social media post.

Stage 4 pancreatic cancer ang naging sanhi ng kamatayan ng award winning journalist.

Si Del Rosario ay naging bahagi ng ABS-CBN, National Broadcasting Corporation, Solar News at CNN Philippines.

Naging bahagi rin siya ng programang ‘Balita Na Serbisyo Pa’ sa DWIZ.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment