Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Trillanes dapat patunayan na kasapi ng ‘triad’ si VM Duterte – Palasyo

by DWIZ 882 September 7, 2017 0 comment
abella

Hinamon ng Malakanyang si Senador Antonio Trillanes na maglabas ng mga ebidensya.

Kaugnay ito sa alegasyon ni Trillanes na bahagi ng drug triad ang Presidential Son na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na masyadong mabigat at seryoso ang nasabing alegasyon ni Trillanes kaya’t dapat itong maglabas ng matitibay na ebidensya hinggil dito.

Magugunitang inihayag ni Trillanes na ang pagiging miyembro ng triad ni Paolo ay mapapatunayan sa makulay at dragon like tatoo sa likod nito.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment