Nagbabala si Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP president at Lingayen – Dagupan archbishop Socrates Villegas sa Administrasyong Duterte
Ito’y sa harap na rin ng sunud-sunod na naitatalang kaso ng mga extra judicial killing sa bansa kasabay ng maigting na kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga
Tanong ni Villegas kung magiging henerasyon na ba ng mga mamamatay tao ang mga Pilipino mula sa henerasyon ng mga sukab sa ilgal na droga
Gayunman, nilinaw ni Villegas na nagsasalita siya bilang isang pilipino, bilang isang alagad ng simbahan at tagapagtaguyod ng buhay
Kaya naman muling iginiit ng arzobispo sa administrasyon na tigilan na ang mga pagpatay dahil naniniwala siyang hindi ito mabuting halimbawa sa mga kabataan sa kasalukuyang henerasyon
By: Jaymark Dagala