Hinatulan ng siyam na taong pagkakakulong ang american women’s basketball star na si Brittney Griner dahil sa smuggling ng droga patungong Russia.
Si Judge Anna Sotnikova ng Khimki City Court ang naglabas ng hatol, kung saan maliban sa pagkakakulong ay pinagmulta rin ng 16,400 dollars ang wnba star na lumabas na guilty sa kaso.
Noong Pebrero naaresto si Griner sa Moscow Airport matapos makumpiska ang nasa isang gramo ng cannabis oil sa kaniyang bagahe.
Depensa naman ng manlalaro na aksidente niya lang itong nailagay sa kaniyang bag dahil sa pagmamadali.
Ginagamit niya lang din ang gamot para maibsan ang kaniyang severe chronic pain.