Pumalag si dating Senador Antonio Trillanes sa kasong kidnapping na isinampa laban sa kanya ng isang negosyante mula sa Davao City.
Ayon kay Trillanes, hindi niya nakilala si Guillermina Barrido at nalaman na lamang niya na nasa pangangalaga ito ng religious community dahil natatakot ito para sa kanyang buhay dahil sa kanyang nalalaman laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, walang katotohanan ang akusasyon sa kanya at ginagamit lamang ito ng administrasyon para sirain at patahimikin siya.
Sinabi ni Trillanes na handa siya at kanyang mga abogado na harapin ang akusasyon sa Korte.