Iginagalang ng Philippine National Police o PNP ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations kung saan tinukoy na mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang marami sa mga napapatay sa police operations ay hindi naman nanlaban.
Ayon kay Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, tinitignan ng kapulisan ang resulta ng survey bilang hamon sa kanila na mailatag ng maayos ang kanilang mga hawak na datos sa mga ginagawang police operations sa social media.
Sa kabila nito, umapela naman si Carlos na bigyan din pagpapahalaga ng publiko ang sakripisyo lalo na ng 85 mga pulis at sundalo na napatay sa mga anti-illegal drug operations.
—-