Napikon si Senador Sherwin Gatchalian sa mga pagtawag sa kanya ng “trapo” sa social media.
Sinagot ni Gatchalian ng “gago, gago ka” at “ulol” ang mga tumawag sa kanyang “trapo” dahil sa naging komento niya sa pahayag ng Liberal Party na ipaglalaban ng partido ang kaluluwa ng bansa ngayong 2018.
Sa anyang komento sa pahayag ng Liberal Party, sinabi ni Gatchalian na matagal nang nawala ang kaluluwa ng bansa sa nakalipas na anim na taon na tila tinutukoy ang administrasyon noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Isa sa mga followers ni Gatchalian ang naglagay ng screen shot ng kanyang mga posts noong 2010 at 2012 kung saan panay ang papuri nito kay dating Pangulong Aquino. Dahil dito, ilan sa mga netizens ang tumawag ng “trapo” at “ingrato” kay Gatchalian.
Ulol
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) January 1, 2018
@stgatchalian the internet never forgets. https://t.co/MAjJUAsdct
— Mugen 無限 (@tr1pnautic) January 1, 2018
Gago! Anong year yan??? — Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) January 1, 2018
Ako yan.
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) January 1, 2018
Gago ka!
— Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) January 1, 2018