Tuluyan nang isinara ng Ukraine ang kanilang apat na Black at Azov Sea Ports, na nasakop na ng Russian forces.
Ayon sa Ukrainian Agriculture Ministry, Sarado ang Azov Sea Ports ng Mariupol, Berdiansk at Skadovsk, at ang Black Sea Port ng Kherson hanggang sa maibalik na ang kanilang kontrol dito.
Ang pagpapatupad ng naturang hakbang ay dulot ng impossibility ng servicing ships at passengers, pagtitiyak ng kaukulang level of safety ng navigation at iba pang economic related activities.
Una nang sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maaring mawala ang milyon-milyong tonelada ng grain ng Ukraine kaya’t nanganganib na magkaroon ng food crisis na makakaapekto sa Europe, Asia at Africa.