Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga kababaihan na tumugon sa panawagang manguna, harapin ang mga hamon ng henerasyon at magsulong sa mas magandang mundo.
Ito, ayon kay Robredo, ay dahil sa pangangailangang mapagbuklod ang mga kababaihan para sama-samang magtrabaho sa isyu ng gender equality.
Wala aniyang babaeng dapat mahuli sa mga effort na pasiglahan ang partisipasyon ng mga ito para sa isang magandang bukas.
Ang pahayag ni Robredo ay kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan.