Naniniwala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong sa kanilang mga tauhan kung regular nang isasailalim ang mga ito sa neuro-psychiatric test.
Iyan ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng insidente ng di umano’y pagpapatiwakal ng police trainee mula sa PNP Maritime Group sa Rosario, Cavite na kinilalang si Justine Orphilla, kamakalawa.
Ayon kay Eleazar, nabatid na nakararanas na ng depresyon ang naturang police trainee na natagpuang duguan at may tama ng baril sa ulo sa rooftop ng kanilang boarding house.
Ginamit ni Orphilla ang baril ng kaniyang field training officer na si P/Cmsgt. Erwin Yazar para isakatuparan ang pakay nito na kasalukuyan nang iniimbestighan.
Dahil dito, pinababantayan ng PNP chief sa mga immediate supervisor ang kanilang mga police trainee gayundin sa lahat ng police unit commanders sa kanilang mga tauhan para hindi na maulit ang nasabing insidente.