Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Valisno Express Bus dahil sa naganap na madugong aksidente noong Agosto ng nakaraang taon sa Quirino Avenue, Caloocan City kung saan 4 katao ang nasawi at marami ang nasugatan matapos na halos mahati ang isang pampasaherong bus nito.
Sa ipinalabas na desisyon ng ahensya ngayong araw, ibinasura ng LTFRB ang naging motion for reconsideration na isinumite ng Valisno management kaugnay sa naturang aksidente.
Sinabi ng LTFRB na agad nang ipapatupad ang kanselasyon ng prangkisa ng bus.
* Details via Jill Resontoc (Patrol 7)