Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na Pilipino rin ang mga piratang nambibiktima sa Zamboanga peninsula.
Kasunod ito nang nangyaring masaker sa walong tripulante ng isang fishing vessel sa Siromon Island sa Zamboanga City.
Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, ginawa nang hanap-buhay ng Abu Sayyaf group ang mang-extort o kaya naman ay mangidnap sa bahaging iyon ng karagatan.
Aniya, mahigpit ring binabantayan ang iba pang grupo na nakikisakay sa ginagawang pamimirata ng mga Abu Sayyaf.
Bahagi ng pahayag ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo
Sa halip na sabayan ang mga pirata sa dagat binabantayan ngayon ng mga awtoridad ang kampo ng ASG at iba pang grupo bago pa man magtungo ang mga ito sa dagat.
Bahagi ng pahayag ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo
By Rianne Briones | Ratsada Balita