Napanatili ng boksingerong si Carl Jammes Martin ang kaniyang Philippine Super Bantamweight title at makuha ang World Boxing Association o WBA Asia Super Bantamweight title sa naganap na laban kahapon sa Elorde Sports Complex sa Parañaque.
Sa unang dalawang round ay bahagyang napabayaan ng 22 anyos na si Martin ang laban kaya nakapasok ang mga suntok ni Baldonado.
Nakarekober naman si Martin at nakuha ang technical knockout win sa ika-labing isang round.
Nagwagi rin sa pamamagitan ng TKO sa ika-12 round si 2016 Olympic Boxer Charly Suarez laban kay Tomjune Mangubat para makuha ang WBA Asia Super Featherweight title.
Dahil sa Panalo, mayroong rekord na sampung panalo at wala pang talo si Suarez at may pitong knockout. —sa panulat ni Airiam Sancho