Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Pagpapabakuna ng PSG kontra COVID-19 walang nilabag

by DWIZ 882 December 29, 2020 0 comment
HARRY ROQUE

Nilinaw ng Malakaniyang na walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, katunayan lang ito na walang nilabag sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.

Giit ni Roque, nanatili pa ring prayoridad ng gobyerno na mabakunahan ang mga mahihirap, matatanda at frontliners.

Sinasabing una nang binakunahan ang PSG members upang matiyak ang kaligtasan ng Pangulo laban sa COVID-19.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment