Tinutulan ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang plano ng Commission on Elections o COMELEC na paglalagay ng mga voting center sa mga shopping mall sa 2016 elections.
Ayon kay tambunting, bagama’t magsasagawa ng background check sa mga may-ari ng mall, posible pa rin itong magamit sa pulitika.
Dahil dito, ikinu-konsidera na ng mambabatas ang pagdulog sa korte para pigilan ang naturang plano ng COMELEC.
Giit niya, maaaring hindi maprotektahan ng poll body ang integridad ng mga balota sakaling maisagawa ang botohan sa isang pribadong establisimiyento.
By: Jelbert Perdez