Ibinabala ng Estados Unidos na gagamitin nito ang kanilang pwersa militar laban sa North Korea kung may matinding pangangailangan.
Ayon kay US Ambassador Nikki Haley, isang bagong resolusyon na rin ang kanilang inihahandang ilatag sa United Nations (UN) laban sa NoKor.
Ang bagong missile test ng NoKor ay patunay lang aniya na ang Hilagang Korea ang nagpapalala ng sitwasyon sa rehiyon na malaking banta din sa kalakalan.
Matatandaang ang serye ng missile test ng NoKor ay labag sa pagban dito ng UN Security Council.
By Ralph Obina