Inihayag ng Department of Transportation (DOTR) na isinasaalang-alang nila ang pagbubukas ng mas marami pang bus stop sa Edsa busway bilang paghahanda sa pagsisimula ng face-to-face na pagpasok ng mga mag-aaral.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, pinag-aaralan din ng DOTR ang pagtatayo ng bus terminal sa Caloocan City upang matugunan ang pagsisikip ng trapiko bunsod ng mahabang pila ng mga bus.
Matatandaan na kamakailan ay nagbukas ang ahensya ng dalawang busway station sa Roxas Boulevard at Macapagal Avenue.
Mababatid na sa kasalukuyan tinatayang nasa 400 units ang dumadaan sa Edsa busway at magpapatuloy ang libreng sakay dito hanggang Disyembre a-31.