Welcome sa Commission on Elections o Comelec ang plano ng Department of Education (DepEd) na ipagbawal ang pag-iimbita ng mga kandidato bilang guest speaker sa mga graduation ceremony.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, isang magandang hakbang ito ng DepEd lalo’t wala namang kapangyarihan ang komisyon na pagbawalan ang mga kandidato na dumalo sa mga graduation rites bilang guest.
Napakapangit aniyang tingnan kung mag-i-imbita pa ng mga kandidato sa mga public school at hindi maiiwasang masabi na ginagamit ang resources ng gobyerno para sa kampanya ng iilan.
Para naman sa mga medal donation, bagaman naiintindihan nilang bahagi ito ng mga commitment ng mga pulitiko kahit bago pa ang pagsisimula ng campaign period, dapat ay maliit na halaga lamang ang donasyon.
—-