Aabot sa P10.4 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga.
Nabatid na sinalakay kahapon, Mayo a-19 ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP-Drug Enforcement Group sa Cordillera Administrative Region) ang apat na plantasyon sa barangay Loccong at Brgy. Ngibat ng nabanggit na lugar.
Aabot sa 15,000 piraso ng full-grown marijuana plants ang nabunot sa isang plantasyon; 7,500 na piraso naman ang nakuha sa ikalawang plantasyon; 27,500 piraso naman sa ikatlo; habang 200 piraso naman sa ika-apat na plantasyon.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy at mapanagot ang may-ari ng apat na plantation sites.