Nanawagan ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Indonesia sa gobyerno na payagan nang makauwi sa Pilipinas.
Ito’y dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Indonesia.
Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, nagpahatid na ito ng sulat sa Inter-Agency Task Force at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapauwi sa mga OFW.
Aniya, maraming OFW ang napaso na ang kontrata na kinakailangan ng makabalik ng bansa.
Magugunitang nasa 10 Filipino na ang nasawi sa Indonesia matapos dapuan ng COVID-19.
Sa ngayon, itinuturing na ang Indonesia bilang epicenter ng COVID-19 dahil sa dami ng namamatay sa Delta variant ng COVID-19.