Inanunsiyo ng Department of Justice na nagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mahigit 30 bagong opisyal at miyembro ng National Prosecution Service. (NPS)
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang sa mga bagong talagang opisyal ng DOJ ay si Atty. Majken Anika Gran bilang Assistant Secretary.
Iniluklok din bilang Provincial Prosecutor ng Albay si Atty. Wilfredo Guerrero habang City Prosecutor naman ng Navotas City si Atty. Armando Cavalida.
Samantala, 29 na iba pang abogado ang itinalaga bilang mga bagong prosecutor sa mga sangay ng NPS sa iba’t ibang panig ng bansa. —Ulat mula kay Patrol 13 Gilbert Perdez