Binigyang pugay ng pamunuan ng Philippine Army ang kanilang mga sugatang sundalo na nag-alay ng kanilang sarili sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa bayan.
Ito’y ayon kay Army Chief M/Gen. Romeo Brawner Jr ay sa pamamahgitan ng paghahatid ng pamaskong handog sa mga sugatang sundalo na nasa Army General Hospital sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Sinabi ni Brawner na binigyan ang mga sundalo ng grocery packs para sa kanilang noche buena at medya noche.
Tiniyak din ni Brawner ang pagtutok nila para sa aspetong pangkaisipan at pangangatawan ng mga sundalo bilang numero unong prayoridad.
Target din ni Brawner sa kaniyang pamumuno na pagandahin at isaayos ang mga ospital ng Army para mabigyan ng angkop na atensyong medikal lalo na sa kanilang mga frontliner. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)