Nanawagan si House Public Accounts Committee Chairman Jose Singson sa Inter-Agency Task Force na isama sa A4 priority group ang nasa mahigit isang milyong kasambahay.
Giit ni Singson, mapo-protektahan ang mga pamilya sa nakakahawang virus kung ang mga kasambahay ng mga ito ay mababakunahan at maibibilang sa essential o frontline workers.
Ani Singson ang mga kasambahay ang madalas na lumalabas ng bahay para bumili ng mga pangangailangan.
Kaugnay nito sinabi ni Singson na ang pagbibigay ng proteksyon sa mga kasambahay ay alinsunod sa Domestic Workers Act.